Ganda gabi sa lahat......
nakabalik na kami from a five day vacation sa HK......share ko lang ibang experience namin sa ladies/night markets.....nakaktuwa para sa akin.
very funny experience kasi while nakikipag bargain ako sa tawad sa isang particular na item from HK$280 tawad ko HK$125 hindi lang as tindera ako nakikipag tawaran ...kundi pati sa hubby ko

wala daw ako kunsensya tumawad

dadaldal hubby ko sa kabilang side sa kabila naman iyung tindera so alis nalang ako pero hihilahin ako ng tindera ibababa ang tawad niya by 20 (starting at HK$180) til umabot sa HK130 galit na galit sakin Mr ko kunin kona daw but nag 2nd thought ako at nagpakipot kasi baka ibigay at nakuha ko nga sa 125 sa huling attempt ko ng pag alis.

....edi pahiya siya sabi ko he he he .....
next attempt sa mga sandals naman turing sakin HK80 tinawaran ko ng HK30 aba! tinitigan akong maigi ng tindera at nagtaas ng kilay sabay iling at kuha sa sandals!

sayang! di ibinigay sa tawad ko but ok lang ....nice try.....

kaso asar talo ako sa hubby ko while naglalakad kami
well, ok lang atleast may idea nako kung paano didiskarte sa tawaran....sa ladies market
sa mga markets naman...may mga tianggian din sila duon for sure di pwede ang tawad na 50% for sure kukunin nila ang items w/o hesitation, atleast mga 20% nga konti lang din sila mag patong sa market area dahil mababa ang pricing nila ng items compare sa ibang area.....basta rin laang palengke.
