November 22, 2008, 08:50:56 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

Login with username, password and session length
News: REGISTER AND JOIN THE DISCUSSIONS
You may now add or change your avatars! Just click on your profile and choose from hundreds of images to represent yourself!
 
  Home Help Arcade Search Calendar Login Register   *
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Tanging Ina Nyo!!!  (Read 335 times)
tonychel
CFC Group
Bayani
*

Karma: 107
Offline Offline

Posts: 2.982



View Profile WWW
« on: December 15, 2006, 03:53:18 PM »

Ang kwentong ito ay natanggap ko po sa isang kaopisina ko.
Hindi ko po alam kung sino ang gumawa nito. Hindi ko rin po
alam kung ilang kopya na ang lumabas sa internet.

Kung sino man sya, saludo po ako sa kanya dahil talagang
tunay na tunay ang mga nilalaman ng kwentong ito.
Simple lang pero matatauhan ka. Tunay nga magagaling
ang mga Pinoy.

Dahil napapanahon ito, nais ko po muling ipabasa sa inyo ito.
Sa palagay ko, hanggang hindi tayo nagbabago, ang
kwentong ito ay laging tama at magiging akma sa lahat ng
panahon sa buhay nating mga Pinoy.

Ito po ang kwento:

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat
sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis.

Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.Ang hirap
pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit
kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na
kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog
na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko
makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari,
hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan
yung mga sadistang Hapon at Kastila. Kase, ibang-iba ang
hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako.
Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka!
May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang
ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin
natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang
tinatakbuhan ko. ”Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit.
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na
sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala
ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya
akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak
niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong
ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata
pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.Sinikap
naming lahat maging maganda ang buhay namin.Ayun, mga
nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba
nag-US, Europe. ”Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat,
wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang
kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na
namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko
para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay.
Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang
sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko
ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga
ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko
talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa
aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko.Usap-usapan ako ng
mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at
naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso
ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki.
Kulang na kulang.

Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang
puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad
kong mga anak.

Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama
ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. M alaman nila na
gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin
ako.Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din.
Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko
ang mga anak ko.Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa
kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila.
Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin.
May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina.
Halos lahat sila galit sa isa”t isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw
sa akin.

Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay
sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin,
ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako
ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.

Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap
usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw:

“INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh.
Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko, Pilipinas nga pala.


from http://expatfil.wordpress.com/
« Last Edit: February 01, 2007, 12:45:34 PM by Pinoy Hong Kong Admin » Logged

Just recently started blogging and now you can view it here. Don't forget to post your comments.
http://tonychelweb.blogspot.com/
- trish -
Senior Kasapi
****

Karma: 10
Offline Offline

Posts: 430


Kung hei fat choi... This is my YEAR!!!


View Profile
« Reply #1 on: January 31, 2007, 02:33:59 PM »

Nakakatouch!!! Cry

Totoo talaga ang nilalaman ng kwentong ito... 

Gagawin ng INA ang lahat alang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Samantalang ung mga anak naman walang paki-alam kung san nanggagaling ung
karanyaang natatamasa nila... ang sa kanila eh madaming pera si inay... mayaman
si ina kaya ok lang... w/c is wrong?!?!? too bad....

Kaylan kaya matatauhan ang mga tao... Huh  Lips Sealed


Logged
leenskie
Kasapi
***

Karma: 14
Offline Offline

Posts: 98



View Profile
« Reply #2 on: February 01, 2007, 12:31:51 PM »

Gosh! Tinamaan ako...nabuhay ang dugong makabayan ko ah! Touched din ako...Sana mabasa ito ng mga nakaupo sa gobyerno...galing ng nag-composed nito...naalala ko tuloy ung dekada 70 and bata-bata paano ka ginawa...
« Last Edit: February 01, 2007, 12:33:51 PM by leenskie » Logged

a woman is the full circle. within her is the power to create, nurture and transform...
Jasmine
Administrator
Senior Kasapi
*****

Karma: 7
Offline Offline

Posts: 471


Sobrang Super Busy lang po talaga...


View Profile WWW
« Reply #3 on: February 01, 2007, 12:37:26 PM »

actually naiyak ako.....marami akong friends and relatives,
hirap talaga.

Sana nga me magawa tayo. I hate the way government handle
the situation now. Naubos na oras nila sa kaka silipan ng butas.
Palibhasa, me OFW na  bumubuhay sa gov't. 
Logged

Maraming Salamat po at Mabuhay!
Pinoy Hong Kong Admin

Dito lang po....Atin to
http://www.PinoyHongKong.com
swakzee!
Bayani
*****

Karma: 10
Offline Offline

Posts: 507


I know what you're thinking!!!


View Profile
« Reply #4 on: March 01, 2007, 08:09:30 PM »

dapat talaga mabasa nyong lahat ito at maisapuso...dahil sya ay

Tanging Ina Nyo Rin!!!


« Last Edit: March 01, 2007, 08:11:45 PM by swakzee! » Logged

-

Ako po ang inyong tanging "SWAKSEE!"
notzkie
Junyor Kasapi
**

Karma: 5
Offline Offline

Posts: 27



View Profile
« Reply #5 on: October 12, 2007, 01:26:22 PM »

medyo mahaba!! walk

Nakakatouch!!! Cry

Totoo talaga ang nilalaman ng kwentong ito... 

Gagawin ng INA ang lahat alang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Samantalang ung mga anak naman walang paki-alam kung san nanggagaling ung
karanyaang natatamasa nila... ang sa kanila eh madaming pera si inay... mayaman
si ina kaya ok lang... w/c is wrong?!?!? too bad....

Kaylan kaya matatauhan ang mga tao... Huh  Lips Sealed



Logged

may ganito pala sa opisina
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Recent Posts
[Yesterday at 11:18:02 PM]

[Yesterday at 11:16:22 PM]

[Yesterday at 11:10:48 PM]

[Yesterday at 11:09:43 PM]

[Yesterday at 11:06:23 PM]

[Yesterday at 10:56:45 PM]

[Yesterday at 10:53:17 PM]

[Yesterday at 10:35:04 PM]

[November 20, 2008, 04:34:31 PM]

[November 18, 2008, 08:47:03 AM]

[November 18, 2008, 08:41:05 AM]

[November 17, 2008, 04:42:27 PM]

[November 17, 2008, 11:32:30 AM]

[November 13, 2008, 09:04:38 PM]

[November 12, 2008, 02:05:12 PM]
Last 10 Shouts:
Yesterday at 08:54:04 AM
kamusta po Smiley
hi Tony!
November 20, 2008, 04:10:39 PM
i'L be there in HK in 2nd week of December....
November 20, 2008, 04:09:19 PM
Hi!!! Realtor888 here from PHILIPPINES FULLY FURNISHED AND FULLY FITTED CONDO AS LOW AS PHP22k PER MONTH  IF YOU HAVE OTHER CONCERN FEEL FREE TO CONTACT ME
MR. RUSSEL FRANCISCO
+63 927.262.1708 OR ADD ME IN
YM: russel_francisco222@yahoo.com

thank you!!!
November 18, 2008, 08:48:49 AM
bunso musta na?!?!
November 18, 2008, 08:42:18 AM
apogee!
November 12, 2008, 01:05:29 PM
hey mia! waaaaz up??
November 12, 2008, 10:56:23 AM
hi guys!!!!
November 12, 2008, 10:44:34 AM
demet!!! daming spammers!!!!!!
November 11, 2008, 11:42:30 PM
ayayay talga!
November 11, 2008, 10:46:39 AM
sir tony,i think we really a clean-up on the forum! get rid of this people.
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
November 22, 2008, 08:50:56 AM

Login with username, password and session length
Members
Total Members: 768
Latest: realtor888
Stats
Total Posts: 32360
Total Topics: 1422
Online Today: 13
Online Ever: 261
(June 21, 2008, 12:31:22 AM)
Users Online
Users: 1
Guests: 12
Total: 13
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.5 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.144 seconds with 26 queries.