Martha: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa amin. Kasi, buntis ako.
Guada: Dapat, sa taong nakabuntis sa 'yo ka pumunta!
Martha: Kaya nga rito ako pumunta, eh. Nandiyan ba si pare?
Pedro: Pare, ikaw ba'y naniniwala sa safe sex?
Juan: Aba, oo naman!
Pedro: Pare, wais ka talaga! Paano mo ginagawa sa partner mo?
Juan: Sinisiguro ko na wala ang mister niya!
ANAK: Nanay, ano po ang ulam natin?
NANAY: Tingnan mo na lang sa ref natin.
ANAK: Parang wala naman tayong ref, 'Nay!
NANAY: Ibig sabihin, wala tayong ulam!
PEDRO: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?
JUAN: Syempre, pera! Kasi, ang pera, habang tumatagal, lumalaki ang interes. Ang asawa, habang tumatagal, nawawalan ka ng interes, tapos, inuubos pa ang pera mo
T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?
S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi
MISTER: Isa sa mga bata ang kumuha ng pera sa pitaka ko!
MISIS: Sobra ka! Ba't mo pinagbibintangan ang mga bata? Malay mo, ako?!
MISTER: Siguradong hindi ikaw! Kasi, may natira!
REPORTER: Ano po ba ang nangyari?
IMBESTIGADOR: Ninakawan ang opisina ni Congressman Curacot.
REPORTER: Malaki siguro ang natangay. Ngayon ko lang nakitang nagalit nang ganyan si Congressman Curacot.
IMBESTIGADOR: Maliit lang. Pero talagang ganyan ang buhay. Ang magnanakaw, galit sa kapwa congressman!
MISTER: Alam mo, kahit lasing akong umuwi, hindi naman ako maingay.
MISIS: Hindi ka nga maingay, pero 'yung dalawang bumuhat sa 'yo, maingay!
Naglalakad ang dalawang lasing sa riles ng tren?
LASING #1: Pare, ang hirap nitong hagdan? ang daming steps!
LASING #2: Hindi lang 'yan, pare? ambaba ng hawakan!
Sa tindahan ni Aling Nena?
Ely: (pasigaw) Pabili po ng SAFEGUARD!!!
Aling Nena: (galit na sumigaw rin) Huwag kang sumigaw riyan! Hindi ako bingi! Anong SIM CARD?! Globe o Smart?!
William: Absent ako kahapon, kasi, nakunan ang nanay ko at ako ang naiwan?
Titser: Speak English because this is an English class.
William: I was absent yesterday because my mother was subtraction and I was the remainder!
Sa psychiatric ward?
Nars: Nasa isip mo ba ang pamilya mo?
Pasyente: Oo naman! Syempre!
Nars: (natuwa) Nasaan na ba ang pamilya mo?
Pasyente: Nasa isip ko nga, eh! Tanga ka ba?!
"Hindi lahat ng malaki ang tiyan at nakapula na namimigay ng Pamasko, si Santa Claus?" ? JOLLIBEE
"Hindi lahat ng may sayad, baliw." ? GULONG
"Hindi la hat ng magaling kumanta, singer." ? POLICE INFORMER
"Hindi lahat ng nilalawayan, batang nausog." ? SOBRE
"Hindi lahat ng kuneho, tumatalon." ? PHILIPPINE RABBIT
"Hindi lahat ng bumabakat, malaswa." ? BILBIL
"Pansalo lang ba talaga ako ng itlog?" ? BRIEF